July is the birth month of my elder brother, Bienvenido “Boy” Noriega. He would have been 66 years old this coming July 19. It just occurred to me how memories are easily lost and not passed on to the next generations. This may be especially true for Boy who left no heirs when he died single and of cancer at a very young age of 42 in 1994. I just want to share some snippets growing up with my brother Boy. If you could just see us then growing up in Rosario street in Ilagan, Isabela, you will never imagine, we would be heads of companies someday. Napaka-uhugin namin noon. Indian pana at kunyari we shoot arrows into the sky pero sabay punas ng sipon sa manggas ng kamiseta - hehehe. Ang dami naming lastiko at nakapulupot sa kamay hanggang braso, Laman ng bulsa namin ay posporo na may mga gagamba at nasa baywang namin ay tirador. Wala ring ani-animal cruelty noon. Kung walang ibon na tini-tirador, aso, pusa o manok ng kapitbahay. Ang gladiators namin ay mga gagamba fighting to death in a stick. Ang drone din namin ni Boy noon ay salagubang na may sinulid na tali. Ang lego – mga lata, kawayan, sanga. Iyong patpat ng icedrop, ginagawa naming lantseta, puwedeng automatic kapag may lastiko. Iyong buto naman ng mangga, ginagawa naming alkansiya. Mahilig kaming manood ng sine ni Boy. Pero dahil wala kaming pampanood kaya nagtitinda kami ng mani at coke sa loob ng sinehan, Madalas hihiga kami sa mismong stage ng sinehan. Talo pa ang mga lazy boy ngayon. Iyon nga lang, kailangang gumapang ka kung hindi sisigawan ka mga tao kapag tumayo ka. Nasubukan din naming mag-shine ng shoes. Madalas sa gilid ng palengke at doon din kami kumakain. Kapag may kaunting kinita, diretso kami sa rentahan ng komiks. Hilig namin ni Boy noon ay Aliwan at Kislap. At kung may coke kami at saltine na biskwit at nectar, para na kaming nasa Paraiso kasama iyong mga bida sa komiks. Dito siguro kami nagsimulang mangarap. Sa ibang araw naman, doon kami sa rentahan ng English komiks, Napakahilig namin doon sa Marvel characters. Para masulit, inuulit namin at nagpapalitan pa kami ni Boy. Nasubukan din naming maging kunduktor sa dyip. Minsan kapag bumabiyaheng extra si Daddy pagkatapos ng trabaho niya sa Nawasa. Umuupo kami sa kaliwa niya sa harapan. Kami iyong sumisingil at kumukuha ng bayad. Madalas kapag mabagal ang takbo, lilipat kami sa likuran na lumalambitin lang sa gilid ng dyip. Hanggang ngayon, namamangha pa rin kami at hindi namin alintana ang aksidente noon. Minsan, muntik pa nga kami ni Boy malunod. Tumawid kami ng ilog. Mababaw sa umpisa pero pagbalik bigla na lang lumalim. Buti na lang nakakapit kami sa kasama naming mas matangkad. Walang ka-alam-alam ang mga magulang namin na namuntikan na pala kami. Natuto rin kaming manigarilyo ng napakabata. Tinuruan kami ng kapatid ni Mommy na halos kasing tanda namin. Para kaming Lo Waist gang na gumagala sa peryahan Bigla naming nasalubong si Daddy at laking takot namin at dagling umuwi. Sinturon ang inabot namin at walang nagawa iyong pagsuot namin sa ilalim ng kama. Siguro nakabuti iyon dahil hindi kami tumuloy manigarilyo paglaki. Naalala ko rin na kailangang maagap ka sa kainan. Sa dami naming magkakapatid, kapag nahuli ka ng kaunti, ulo ng manok ang ulam mo at kung minsan naman buntot ng isda. Kuwento nila na nag-away pa nga kami raw ni Boy at halos nagsaksakan ng tinidor. Ang hindi ko makalimutan sa lahat ay noong sinamahan ko si Boy sa Stanford at San Francisco ng isang buwan habang nagpapagamot siya. Bukod sa dasal, halos gabi gabi kaming umiiyak. The best compliment I got from him was when he said, ako araw iyong best caregiver dahil nagagawa ko raw lahat – driver niya, cook niya, taga-gawa ng juice, taga-bigay ng medisina, taga-kausap ng doctor, katulong sa scheduling at pag-interpret ng results, pag-plano ng mga gagawin at kausap sa kahit ano. Reminiscing the past with Boy elicits a lot of ambivalent feelings. Parang napabayaan kaming lumaki o sobrang hirap sa buhay. But looking back, we never felt to be poor as we were happy growing up. Perhaps, we just did not know what rich was or we just did not know what was on the other side of the track. Praying for the younger ones among the clan to realize that there is really so much to accomplish in a lifetime if you just relentlessly go after your dreams with determination. Please watch this video tribute I prepared for him for his upcoming birthday.
Butch and Becky
Comments